Thursday , June 4 2026
Kyumter Kilos Konsyumer - Komyuter

P5-B kabang yaman nasayang sa PUV modernization – Kyumter

BINATIKOS ng grupong Kilos Konsyumer – Komyuter (Kyumter) ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan makaraang umabot sa halagang P 5 bilyon kaban ng bayan ang nasayang sa progama sa walong-taong implementasyon nito.

Ayon kay Isagani Bogabel, tagapagsalita ng grupo, tinatayang P5 bilyon ang nalugi sa gobyerno dahil sa maling sistema ng programa.

Anang grupo, nasa 20 porsiyento lamang ang pag-unlad ng modernisasyon dahil sa kakulangan ng maayos na konsultasyon sa mga apektadong sektor.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City, ipinunto ni Bogabel na ang sobrang laking agwat sa presyo ng mga sasakyan ang nagbabaon sa mga operator sa pagkakautang dahil ang presyo ng modernong yunit ay P2.5 milyon habang ang tradisyonal na Jeep ay mas mababa sa P1 milyon.

“Paano babayaran ng mga operator ang napakamahal na modernize jeep kung ang kanilang kinikita ay hindi sapat, at ang ilang mga bagong yunit ay madali pang mabulok at hindi na mapakinabangan?” pahayag ni Bogabel.

Dahil dito, inilunsad ang grupong Kyumter upang magsilbing  boses ng mga konsyumer at komyuter.  Ang Kyumter ay pinagsanib na salitang Konsyumer at Komyuter—na anila ay nagsisilbing ‘bihag’ sa gitna ng toxic na politika sa bansa.

Ayon sa grupo, kapansin-pansin na naging prayoridad ng mga nasa kapangyarihan ang pansariling interes at bangayan kaysa pagbibigay ng ligtas at abot-kayang transportasyon.

“Nais namin maging boses ng milyon-milyong Filipino na nabaon na sa limot dahil sa ingay ng mga makapangyarihan,” dagdag ni Bogabel.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kyumter sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itigil muna at muling suriin ang PUVMP.

Naniniwala ang grupo na hindi magtatagumpay ang kahit anong programa kung hindi pakikinggan ang panig ng mga drayber, operator, at higit sa lahat, ang mga komyuter na direktang nagpapasan sa epekto ng palpak na sistema. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …