Thursday , June 4 2026
Sigarilyo Yosi

P80-M yosing ilegal nasamsam sa Oplan Grasshopper

HINDI bababa sa P80-milyong halaga ng ilegal na sigarilyo ang nakompiska ng mga awtoridad sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Prenza 1, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 7 Pebrero.

Pinangunahan ni P/Maj. Criz Cataluña ng CIDG Bataan PFU, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Grant Gollod, hepe ng CIDG RFU 3, ang entrapment operation ng magkasanib na elemento ng CIDG Bataan PFU at Marilao MPS sa J1 Industrial Compound, sa nabanggit na barangay kamakalawa.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang dayuhang sangkot sa malawakang pagbebenta at pamamahagi ng mga ilegal na produktong tabako.

Sa ilalim ng Oplan Grasshopper, natuklasan ng mga operatiba ang ilang sasakyan—kabilang ang isang trailer truck at mga closed van—na puno ng maraming ilegal na sigarilyo na nakaimbak sa loob ng bodega na pinatatakbo ng mga suspek.

Ang mga nakompiskang gamit, na binubuo ng iba’t ibang brand ng mga produktong tabako, hindi regulated at misbranded, ay tinatayang nagkakahalaga ng P8,000,000 batay sa daily price index.

Muling pinagtibay ni P/Col. Gollod ang pangako ng CIDG sa paglaban sa ilegal na kalakalan, na aniya’y patuloy nilang hahabulin ang mga grupong kriminal na sangkot sa mga ilegal na operasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …