Thursday , June 4 2026
San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), partikular ng Warrant Section, katuwang ang 301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3), ang dalawang most wanted persons sa city level sa magkahiwalay na operasyon sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ni PLt. Colonel Reyson M. Bagain, hepe ng San Jose Del Monte CPS, kinilala ang unang naarestong akusado na si alyas Garry, 46 anyos, residente sa Towerville, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM, Bulacan.

Si alyas Garry ay naaresto dakong 5:16 ng hapon sa Brgy. Narra, CSJDM, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Qualified Rape by Sexual Assault (2 counts).

Ang nasabing warrant ay inisyu noong 19 Enero 2026 ni Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 5FC, CSJDM, Bulacan.

Samantala, ang ikalawang naarestong akusado ay si alyas Man, 48 anyos, residente sa Sarmiento Homes Subdivision, Brgy. Muzon Proper, CSJDM, Bulacan.

Si alyas Mar ay naaresto dakong 6:28 ng gabi sa parehong lungsod sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Rape at Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(B) ng RA 7610 na inisyu noong 19 Enero 2026 ng parehong hukuman.

Ang dalawang naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jose del Monte City Police Station habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon bago ibalik ang mga warrant sa korteng pinanggalingan nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …