MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project Loki.
Magsisimula pa lang kasi siyang mag-shoot na ginagampanan niya ang role bilang si Alistair Ravena.
Tsika ni Martin sa presscong ng Project Loki, “Nilu-look forward ko na makapag-taping na ako, matagal pa kasi ‘yung mga appearance ni Alistair, ‘yung character na ginagampanan ko.
“At saka nilu-look forward ko na makatrabaho na si direk Xian kasi coming from Jayda and Dylan, sobrang cool ni direk. Hahayaan ka niya sa pagiging artist mo, pero iga-guide ka niya sa sarili mong atake.
“So ‘yun ‘yung nakae-excite na gusto kong ma-experience.
“Sobrang excited din ako sa project na ito, ang
ganda ng story.”
Ang Project Loki ang maituturing ni Martin na pinakamalaking role na ginampanan niya sa kanyang career at umaasa siya na darating ‘yung time na siya naman ang bibida sa projects na gagawin.
“Yes ito ‘yung pinaka-malaking role as of now na nakuha ko sa career ko.
“Siyempre naglu-look forward pa ako sa mas bigger role, ‘yung ako naman ‘yung lead, hopefully soon.”
Ibinahagi rin nito ang role niya bilang si Alistair Ravena sa Project Loki series.
“Si Alistair kasi, ‘di naman complex ‘yung character. Isa siyang walking green flag, dream guy. Sream guy siya ng girls sabi ng fans.
“Si Alistair kasi isa siyang protective na tao, maintindihin at lagi niyang inaalalayan sa lahat ng problems si Lorelie, si Jayda.”
Makakasama ni Martin sa Project Loki sina Dylan Menor as Loki ang leader ng QED Club, Jayda Avanzado as Lorelei, Marco Gallo as Luthor, at Yumi Garcia bilang Jamie.
Kasama rin sina Love Yauco as Margarrete, Iven Lim as Bastien, Joanna Lara as Rhiannon as Rhea, Michael Keith as Rye Rubio, Ashley Diaz as Rosetta and Kurt Delos Reyes as Stein.
Ang AkoSiIbarra’s mystery-crime thriller series Project Loki ay available to stream on Cignal Play at Viva One app simula Feb. 21 mula sa direksiyon ng aktor at pilot na si Xian.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com