Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALK
ni Pilar Mateo

STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia). 

Sumusulpot sa mga event niya. Noong kasal. At nitong Thanksgiving Party in celebration of the 1st anniversary of her Kiray Brands.

Maaga pa lang nakita ko na sa isang sulok ng bulwagan (sa Atrium ng Enderun) ang wreath na may congratulatory message naman. In big bold letters from SENYORA.

May Thanksgiving party kasi ang mga bagong kasal na sina Kiray at Stephan Estopia sa tumapak na unang anibersaryo ng pag-alagwa ng Kiray Brands.

Dito rin nagbigay ng mga espesyal na parangal ang kompanya ni Kiray sa kanilang affiliates, core team, mga valued partner na nagtulong-tulong para lalo pang umusbong ang ni-recognize na ng Superbrands Philippines na mga produkto.

Ilang linggo pa lang ang lumipas matapos ang kanilang pag-iisandibdib. At naikuwento nga ni Kiray ang ‘di matingkalang pagod na inabot nilang mag-asawa  sa pinaghandaang milestone ng buhay nila.

Pinag-uusapan na ang pagbubuntis. At dahil nga nasanay ito sa malaking pamilya eh, mukhang kakailanganin nila ang pumaspas para ma-achieve ang pangarap niyang pitong anak.

Tinitingala ngayon si Kiray sa posisyon niya ng pagiging CEO ng kanilang kompanya. At ‘di naman lingid sa publiko ang tinahak nitong landas paakyat sa kinalalagyan ngayon.

Maganda siya mangarap.  At sa tinaglay na mindset. Inuna ang pamilya. Mga kapatid. Magulang.

Nang mabigyan ng isang milyon ang kanyang dakilang ina at natapos ang ipinagawang bahay,  kagyat na pinagsisihan pa na nagkaroon sila ng kanya-kanya nilang mga silid.

Eh, kasi hindi na kami nagkita-kita!” Bulalas nito.

Pero ngayong solo na siya ng mister na si Tepan, mas lalo pang suminop si Kiray sa bagong buhay na sinakyan.

Natutuwa talaga ako kasi siya ang hiniling ko at ibinigay ni Lord sa akin. Magkaiba kami ng personality. But when it comes sa pagharap namin sa buhay, we are looking in the same direction. O, ‘di ba? ‘Yung sinasabi nilang nasa bahay lang, ayan.  Kasama ko nagpapalago sa aming kabuhayan.”

Deadma pa sa bashers. Including the one who stalks her.

Ibang klase nga raw na boss si Kiray. 

Andar din talaga ang utak sa pag-market ng kanyang produkto. Sa ginanap na event umuwing may bitbit na kanya-kanyang maleta ang nagsidalo. Sa tatlong  section ng maleta, naka-imis o ayos na ang bawat set ng produkto. Sa pampaganda. Sa kalusugan.  Kaya hindi magkandaugaga ang mga nagbitbit nito.

Bago matapos ang masayang pagtitipon,  ibinahagi ni Kiray ang mga produktong malulunsad pa sa mga darating na panahon.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Kiray sa isa sa matibay na business supplier nila, ang Purple Hearts Production na siya ring marketing arm nila at ang Kryzl Manufacturing Corporation na partner nila sa food and cosmetics manufacturing.

Kaya kahit na may Senyora sa sideline, abot-tenga lang ang ngiti ng Donya!   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia malaki ang tiwala sa mga bida ng I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales KA-CHAT namin si Sylvia Sanchez isang gabi matapos ang contract-signing ng Nathan Studios/Nathan Studios …

Heart Evangelista

Heart balik-telebisyon

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK muli sa telebisyon si Heart Evangelista para sa Season 2 ng kanyang Heart World. …