Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia malaki ang tiwala sa mga bida ng I’m Perfect

RATED R
ni Rommel Gonzales

KA-CHAT namin si Sylvia Sanchez isang gabi matapos ang contract-signing ng Nathan Studios/Nathan Studios Artist Management nina Sylvia at Ria Atayde sa mga cast member ng I’m Perfect na mga artistang may Down Syndrome na pinangungunahan ni Krystel Go na nagwaging Best Actress sa nakaraang 51st Metro Manila Film Festival at lead actor ng pelikula na si Earl Amabagayundin ni Time To Dance 2025 chaml Ice Almeria

Puno ng emosyon ang speech ni Sylvia.

Ani Sylvia, hindi lang contract signing ang naganap noong hapong iyon kundi simula ng isang pangarap na sabay-sabay na binubuo.

Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo. 

“These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso,” ani Sylvia.

Ibinahagi pa ng premyadong aktres na bago pa nila sinimulan ang pelikulang I’m Perfect, nakitaan na nila ang mga bida ng potensiyal. 

We believed in them even before the cameras rolled—before the lights, before the applause. And recently, that belief was proven true when we made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ng mga bata.”

Idinagdag pa ni Sylvia ukol sa mga SD, “We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you. Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.

Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado… gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.”

Sinabi pa ni Sylvia na ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala, “tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.

Talent na rin ng Nathan Studios ang Time To Dance grand winner na si Ice. Ang Time To Dance ay isang reality competition last year hosted by Gela Atayde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Heart Evangelista

Heart balik-telebisyon

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK muli sa telebisyon si Heart Evangelista para sa Season 2 ng kanyang Heart World. …