Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga nang kumagat sa ikinasang buybust operation at nakuhaan ng mahigit P71,000 halaga ng shabu sa Caloocan City.

Sa report mula sa tanggapan ni Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ang suspek na isang alyas Ning, 44 anyos.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan CPS hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga ng suspek.

Nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU at ikinasa ang buybust operation sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables, sa koordinasyon ng PDEA.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU bandang 10:15 ng gabi sa Daang Bakal St., Brgy. 59.

Nakompiska mula sa bebot ang tinatayang 10.58 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P71,944 at buybust money.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …