Thursday , June 4 2026
Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray Celis nagdiwang ng 1st Anniversary Thanksgiving para sa Kiray’s Brands, mister na si Stephan excited nang magka-baby

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAG-CELEBRATE ang Kiray’s Brands ng kanilang unang anibersaryo sa pamamagitan ng isang Thanksgiving event noong Pebrero 1, 2026 sa The Atrium, Enderun, McKinley, Taguig.

Ang makabuluhang selebrasyon ay inialay bilang pasasalamat sa mga affiliate, depot partners, core team, at mahahalagang katuwang ng kompanya na may malaking ambag sa patuloy na paglago at tagumpay ng Kiray’s Brands at sa lumalawak nitong portfolio.

Pormal ding kinilala ng Superbrands Philippines ang lahat ng produkto ng Kiray’s Brands. Ang naturang organisasyon ay isang rehistradong institusyon na nagbibigay-parangal sa mga brand na kilala sa tuloy-tuloy na kalidad, kredibilidad, at layuning nakatuon sa kahusayan.

Bilang espesyal na pasasalamat sa mga dumalo, personal na naghanda sina Kiray Celis, CEO, at ang kanyang asawang si Stephan Estopia, COO ng Kiray’s Brands, ng mga luggage na naglalaman ng kasalukuyan at mga paparating na produkto ng kompanya.

Sa ginanap na programa, inanunsyo ni Kiray na marami pang kapana-panabik na produkto ang ilulunsad ngayong taon, kabilang ang mga bagong wellness at beauty drinks, skincare, body care, at iba pang inobasyon upang higit pang mapalakas ang kanilang brand offerings.

Nakibahagi rin sa selebrasyon ang mga pinagkakatiwalaang business suppliers ng kompanya tulad ng Purple Hearts Production, opisyal na marketing arm ng Kiray’s Brands, at Kryzl Manufacturing Corp., ang kanilang katuwang sa paggawa ng food at cosmetics.

Malaki ang naging papel ng Purple Hearts Production at Kryzl Manufacturing Corp. sa matagumpay na pagsasagawa ng unang Thanksgiving celebration ng Kiray’s Brands, gayundin sa pagtiyak na ang mga brand na Hello Bloom, Hot Babe, Day-li Supplements, at Skin Vibe ay rehistrado sa FDA.

Samantala, sa panayam ng media ay naibahagi ni Kiray na kinukulit na siya ng mister na si Stephan para magka-baby na sila. Ikinasal sina Kiray at Stephan noong December 2025.

Aniya, “Tapos ngayon na kaming dalawa na lang, wala namang pinagkaiba. Siguro mas nakita ko lang na iyon pala talaga ang asawa ko. I mean, kung gaano siya kabait, kung gaano ko siya talaga nakilala na  supportive, mapagbigay, malambing.”

Kuwento pa ni Kiray, “Excited siya to have a baby. Siya po ay may plano, alam nyo ba na may application siya tuwing mens ko? Updated siya, binabantayan niya. Daig pa niya ako, ‘no? Siya talaga yung excited.

“Talagang noon pa man, kinukulit na niya ako bago ikasal, sabi niya, “Baka naman puwede na?’ Sabi ko, ‘Hintayin mo malapit nang ikasal, ilang araw na lang, e.”

Plano raw nila ay magkaroon ng seven na anak.

Pagbabahagi pa ng aktres, “Seven ang balak naming anak. Kasi apat kaming magkakapatid, tapos noong nabigyan ko ng bahay ang family ko. Kasi pangarap ko na sari-sarili kaming kuwarto, pero ang lungkot pala, parang hindi ko na nakikita mga kapatid ko. So sabi ko, dadamihan ko, so seven.

“Iyon ang plano ko, pero mag-thirty-two na po ako this year… kaya talagang excited na ang asawa ko. Pero sana kayanin ko pa ang seven.

“Kung naging aso siguro ako, sayang kung naging baboy siguro ako, hahahaha!” Nakatawang bulalas pa ni Kiray.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …