Thursday , June 4 2026
PNP PRO4 Calabarzon

Laban vs droga, loose firearms pinaigting ng PRO4-A

INIULAT ng PRO4-A (PRO CALABARZON), naging makabuluhan ang kanilang mga operasyon sa pagpapaigting ng laban sa ilegal na droga at loose firearms nitong 1-31 Enero, sa ilalim ng  pamumuno ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director.

Sa nakaraang buwan, nagsagawa ang mga tauhan ng PRO4-A ng 996 anti-drug operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 981 indibiduwal sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 1,574.72 gramo ng shabu at 33.79 gramo ng marijuana, na tinatayang P6,011,091 ang kabuuang halaga.

Bilang dagdag sa mga pagsisikap na ito, 96 operasyon laban sa loose firearms ang isinagawa, na humantong sa pagkakaaresto ng 80 indibiduwal at pagkakakompiska ng 146 baril, habang 18 baril ang boluntaryong isinuko sa iba’t ibang estasyon ng pulisya sa buong rehiyon.

Ang mga operasyong ito ay nagbigay-diin sa walang humpay na paghahangad ng PRO4-A ng kaligtasan ng publiko at ang pangako nitong ibalik ang mga nagkasala sa loob ng mga hangganan ng batas.

Pinuri ni P/BGen. Lucas ang dedikasyon, disiplina, at propesyonalismo ng lahat ng tauhan ng pulisya na lumahok, at binanggit na ang mga tagumpay na ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng PRO 4A para sa katarungan, pananagutan, at seguridad ng komunidad.

Aniya, mahalaga ang sustained intelligence-driven operations at malakas na pakikipagtulungan sa komunidad at mga partner na ahensiya.

“Ito ay isang malakas na simula para sa 2026 at simula pa lamang ng ating pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at iba pang ilegal na aktibidad sa rehiyon,” aniya. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …