Thursday , June 4 2026
Gun poinnt

Rider pinagbabaril ng tandem, estudyante nadamay patay

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang target na delivery rider, at isang estudyanteng nadamay sa enkuwentro ng mga awtoridad at ng riding-in-tandem nitong Linggo ng gabi, 1 Pebrero, sa Novaliches, lungsod Quezon.

Kinilala ang mga biktimang sina Jonari Dangalan, 29 anyos, delivery rider, residente sa Brgy. Gulod, Novaliches; at Eries John Genovatin, 24 anyos, criminology student, residente sa lungsod ng Caloocan.

Sa ulat mula sa Quezon City Police District PS-4 (Novaliches Police Station), dakong 11:20 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa Brgy. Gulod.

Ayon kay P/Cpl Benito Catungal, sakay si Dangalan ng pulang Yamaha NMax nang sundan ng mga suspek na magkaangkas sa motor at sunod-sunod na pinaputukan ng baril.

Agad hinabol ng mga pulis ang mga suspek ngunit isa sa kanila ang nagpaputok ng baril kaya agad gumanti ng pamamaril ang mga awtoridad.

Nang tumigil ang putukan, nakitang nakahandusay at duguan ang estudyanteng si Genovatin sa tabi ng kaniyang bisikleta na nabatid na tinamaan ng ligaw na bala.

Isinugod sa Novaliches District Hospital sina Dangalan at Genovatin ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 11 basyo ng bala ng cal. 9mm at yuping basyo ng bala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …