Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit ang panibagong online viewership record, kasabay ng pagbubukas nito ng bagong yugto kasama ang mga bagong karakter.

Nagtala ang Roja, Martes ng gabi (Enero 27) ng all-time high record na 620,186 peak concurrent online viewers o sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube, ang most-subscribed na YouTube media at entertainment channel sa Southeast Asia.

Pasabog ang dala ng “bagong yugto” trailer na inilabas ng ABS-CBN kamakailan na tampok ang mga buwis-buhay na pagsubok na kailangan lampasan nina Liam (Donny Pangilinan) at Olsen (Kyle Echarri), lalo pa at nadagdagan ng alyansa ang mga hostage-taker at ngayon bihag ang kanilang mga biktima sa isang ospital. 

Mas lalo pang iigting ang tensyon sa nagaganap na krisis sa pagpasok ng mga bagong karakter na ginagampanan nina Christian Vasquez, Iana Bernardez, Jeremiah Lisbo, Joel Molina, Mac Manicad, Miggy Campbell, at Paolo Serrano.

Kasing tindi rin ng sagupaan ang malupit na rebelasyon ni Greta (Lorna Tolentino) dahil malaki ang suspetsa niya na magkapatid sina Liam at Olsen. Pinanghahawakan kasi ni Greta ang hinalang ito matapos matuklasan ang pagiging kabit ng BFF niyang si Wendy (Janice De Belen) sa asawa niyang si Magnus (Raymond Bagatsing). 

Dapat abangan sa mga susunod na episode kung paano muling malalagay sa peligro ang inaakala na ligtas at payapang buhay nina Liam, Olsen, at Luna (Maymay Entrata) dahil sa kalbaryo na dala ng mga hostage-taker at pagsindak ng mga ito sa awtoridad sa paglusob nila sa ospital na kasalukuyang nanatili ang mga biktima ng La Playa Roja. 

Aabot na rin sa sukdulan ang paghihiganti ng lider ng mga hostage-taker na si Emil (Joel Torre) dahil gagawin nito ang lahat para maibalik ang nawawalang milyones  na nakuha nila mula sa kanilang mga hostage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …