Thursday , June 4 2026
Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva.

At base sa opinyon ng mga nakapanood na ng pelikula, may ibubuga sa pag-arte ang foreign actress.

Sayang nga lamang at hindi pa nakababalik si Sara sa Pilipinas kaya hindi siya siguro aware na maraming pumuri sa kanya bilang artista sa pelikula.

Pero hindi na ito nakapagtataka dahil base sa napag-alaman naming impormasyon ay sikat na sikat at mayamang aktres si Sara sa Czech Republic.

Bukod kay Sara ay pinuri rin ng mga nakapanood ang akting ni Paolo.

May mga komento nga na pasok sa banga si Paolo na seryosohin na ang pagiging isang serious drama/romance leading man at iwan na ang pagiging isang sexy actor.

Bukod dito ay nagtagumpay ang direktor ng pelikula na si Lester Dimaranan na ipakita onscreen ang ganda ng Puerto Galera at Prague na roon kinunan ang kabuuan ng pelikula.

Ilang beses na kaming nakarating sa Puerto Galera at maganda naman talaga ang lugar. Kaya nga bukod sa Boracay ay dinarayo rin ng mga turista at lokal ang Puerto Galera.

Pati ang husay at klarong  pagbibitiw ng mga dayalog nina Paolo at Sara ay na-capture ni direk Lester.

“Sana suportahan ng mga tao ‘yung pelikula na minahal namin.

“Talagang minahal namin, hindi lamang sa production side, pero kaming mga artista, kaming cast, we did our best as actors.

“We gave our hearts to this film,” sabi pa ni Paolo.

Produced ng  Borracho Films Production ni Atty. Ferdinand Topacio ang Spring In Prague, na showing na sa mga sinehan simula Ferbruary 4. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …