Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May positibo at may negatibo. Pero ang suma, matagumpay na nagampanan ni Andres ang dating pinagbidahan din ng kanyang amang si Aga Muhlach, ang pelikulang Bagets na ipinalabas noong 1984 sa mga sinehan na idinirehe ni Marjo J delos Reyes.

Aminado naman ang pamilya ni Andres na hindi pa ganoon kasanay kumanta at sumayaw ang batang aktor. Pero sa ganang sa amin, kung hindi susubukan at kung hindi tinanggap ni Andres ang pagbibida, kailan pa? At siya ang bukod-tanging tamang gumanap pelikulang ginawa rin ng kanyang amang si Aga, ang Bagets.

Magandang behikulo rin para kay Andres ang teatro para mas lalo pang masanay sa pagkanta at pagsayaw. Magandang lugar din ito para mas mahubog pa ang galing niya sa pag-arte gayundin ang disiplina.

At sa nakita naming performance ni Andres sa opening night ng Bagets, The Musical pasado siya sa lahat ng nanood. Tinitilian pa nga si Andres sa mga eksena nito at siya talaga ang nagdala ng palabas.

Mabuti na lamang at hindi namin pinalampas ang panood nito kung hindi mami-miss namin ang naging bahagi ng aming kabataan noon.

Anyway, hindi lang si Andres ang nakitaan namin ng nerbiyos, na hindi naman kataka-taka dahil first time niyang sumalang sa ganito. Ninerbiyos din daw ang kanyang Lola Elvie na nakasalubong namin after ng palabas.

Ani Mommy Elvie, bagamat ganoon siya ka-nerbiyos super proud naman siya sa kanyang apong si Andres bagamat hindi niya itinago ang komentong marami pang dapat aralin ang kanyang apo.

Hindi siya singer at dancer, so pinag-iisipan na namin ito (pagtanggap noon sa musical play). Kasi talagang sobrang nerbiyos kami nina Aga at Charlene habang pinanood siya. Napapakamit kami sa aming upuan,” nakangiting wika ng maganda pa ring ina ni Charlene.

Ang dinig namin kagagaling pa ng taping ni Andres ng Mutya ng Section E naipinalalabas sa Viva One, pero all out pa rin ang performance ng bagets.

“Kaya nga ang tanong namin, kaya ba niya at sinasabi naman niyang (Andres) kaya niya,” sabi pa ni Mommy Elvie.

All out nga ang suportang ibinigay ng pamilya Muhlach kay Andres. Naroon din si Aga, si Charlene, at ang kambal na si Atasha. Nanood din ang mga OG Bagets na sina Yayo Aguila, Ramon Christopher, at Chanda Romero. Hindi naman nakarating si Herbert Bautista dahil may biglaang meeting ito.

Kasama ni Andres na nagtanghal sa opening night sina Ethan David, Milo Cruz, Noel Comia, Jr. atSam Shoaf.

Bago ang curtain call, isa-isang pinaakyat sa entablado ang mga OG “Bagets” sa pelikula sa pangunguna ni Aga at doon nga hindi napigilang maluha at nagyakapan ang mag-amang Andres at Aga.

Kitang-kita naman sa mukha ni Aga kung gaano siya ka-proud sa binatang anak.

Maging si Charlene ay super happy sa magandang performance ng anak.

Anito,  “May kaba siyempre, pero excited ako kasi napakaganda ng ‘Bagets, The Musical’ from beginning to end.” 

Naikuwento pa ni Charlene na wala silang idea sa gagawin ng kanilang anak dahil hindi ito nagkukuwento sa kanila. 

Kaya naman umpisa pa lang, teary-eyed na ang pamilya Muhlach.

Mapapanood ang Bagets, The Musical hanggang Marso 2026 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …