Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arlene Muhlach Atasha Muhlach

Arlene tinawanan tsikang buntis ang pamangking si Atasha

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DUMALO sa kapistahan ng Lipa ang mga aktres na sina Arlene Muhlach at Yayo Aguila na inimbitahan ng presidente ng Lipa City Tourism Council na si Joel Umali Pena.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ng kapistahan si Teacher Raquel ng PBB gayundin ang manager na si Rex Belarmino kasama ang mga alagang beauty queen.

Bukod sa dumayo sila sa tahanan ni Joel, masaya rin silang nakipista sa Solano Hotel na pag-aari ng mag-asawang, Charles at Lorena Solano at sa bahay ng parents ni Marie Lozano, dating TV Patrol.

Pinagkaguluhan sina Arlene at Yayo ng mga nakipista sa bahay ng Pena family at kahit saan sila makita ng mga Lipeno magiliw silang nagpapakuha ng picture sa dalawa.

At dahil naroon na rin kami, hindi na namin pinalagpas na tanungin once and for all ang isa sa kumakalat na tsika ukol sa pamangkin ni Arlene na si Atasha, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Inusisa namin si Arlene ukol sa katotohanan sa likod ng tsikang bakit hindi na nakikita si Atasha sa Eat.. Bulaga!

At si Arlene na nga ang nag-ispluk ng kumakalat na tsismis, “Nabuntis nga raw ni Joey de Leon,” sabay bawi na nakakaloka ang mga fake news na kumakalat. 

Iginiit ni Arlene na fake news ang lahat at sinabing kaya wala sa Eat Bulaga si Atasha ay dahil abala ito sa series sa Viva, ang Bad Genius na pinagbibidahan nga ng batang aktres.

Na siyang tunay dahil sa media conference ng Bad Genius nasabi naman ni Atasha na madalang na siyang makapupunta sa Eat Bulaga dahil nga sa kanyang seryeng pinagbibidahan.

O ayan nilinaw na ng tiyahin ni Atasha ang balita, siguro nama’y matitigil na ang pagkalat ng mga fake news.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …