Thursday , June 4 2026
Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na inakusahan ng huli na nagbigay umano ng pisikal, mental, emosyonal, at pinansiyal na abuso sa beauty-queen icon-actress.

Pinabulaanan nga nito ang mga akusasyon ni Melanie na isiniwalat niya sa show ni Boy Abunda na Fast Talk.

Ayon pa sa statement na ipinalabas ng kampo ni Lawyer, matagal ng may history si Melanie ng pag-akusa ng abuse laban sa asawa. Na umano ay napawalang bisa pa nga at hindi umakyat sa korte ang minsan nitong akusasayon sa asawa noong nandito pa sila sa Pilipinas.

Ia-address din daw ni Lawyer ang usapin sa immigration na sinulatan nga ni Melanie para kanselahin ang passport nito at huwag nang patuntungin pa sa bansa.

Mixed ang reactions ng netizen. May mga naaawa at nakikisimpatya kay Melanie, mayroon ding naniniwala sa kanya habang may ilan namang nagdududa sa kwento niya. Pero nagkakaisa ang marami na dapat na ngang diborsiyohin ni Melanie ang asawa dahil mukha nga raw wala itong suwerte pagdating sa asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …