Friday , June 5 2026
Kryzl Jorge Opo Thank You Po Purple Hearts Foundation

Opo, Thank You Po single ni Love Kryzl ilulunsad

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISANG batang paslit (siyam na taong gulang lang siya) ang nagpa-imbulog sa pangalan ng Purple Hearts Foundation.

Si Kryzl Jorge

Nagbabahagi ng mga produktong nakatutulong para sa kalusugan ng bata at matanda.

Naghatid ng saya sa Year-End Gift-Giving Outreach para sa mga karatig-barangay nila.

Matagumpay na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach program, ang Purple Hearts Foundation Gives Back sa Kryzl Farmland, na 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.

Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya. Nagsimula ang programa 10:00 a.m. at nagtapos ng 1:00 p.m., na isinagawa ng maayos at may malasakit sa bawat dumalo.

Ang programa ay pinangunahan nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salo-salo. Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts Supplement Products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.

Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.

Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl, ang Opo, Thank You Po, isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat. Ang mensahe ng awitin ay lubos na tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.

Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa para matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.

Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.

Ngayong Linggo, ilalabas ang Opo, Thank You Po na latest single ni Love Kryzl kasabay ng official music video nito sa Facebook page at YouTube channel ni Love Kryzl.

Sa kasalukuyan ay available na for streaming ang nasabing kanta sa spotify worldwide.

Looking through the eyes of this 9-year old, alam mong there’s more than meets the eye.

Sa pagtulong na nakatuon ang buhay niya at mga araw eh, dapat na naglalaro lang siya kasama ng mga gaya niyang kabataan.

Oo. Nagagawa pa rin naman niya. With a twist. Kasi, may kasama ng pagtulong ito lalo sa mga nangangailangan.

The pretty baby is “pregnant”. With tons and tons of ideas. Mga titik sa musika na ibinabahagi rin niya. Mga planong ‘di mo inaasahan sa edad niya.

Going places.  Subaybayan si Love Kryzl!

And be a part of her world! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …