Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos na 21st Gawad Tanglaw.

Muli kasing binigyan ng pagkilala ang Star for All Seasons ng mga akademisyan, propesor, at lupon ng mga patnugot ng educators’ based award-giving body, bilang kanilang 2025 Best Actress winner para sa film na Uninvited.

Dalawang grupo na ng mga educator (Gawad Pasado at Gawad Tanglaw) ang nagbigay parangal kay Ate Vi para sa naturang pelikula na entry last year sa MMFF, bukod pa sa FAMAS, Star Awards at ilan pang minor award-giving bodies.

Ito na bale ang ikalimang Best Actress plum ni ate Vi from Gawad Tanglaw since magsimula itong magbigay pagkilala noong 2002. Nakuha niya ito sa Dekada ’70 (2002), Mano Po lll My Love (2004), In My Life (2009), Ekstra The Bit Player (2013), at Uninvited (2025).

Bukod pa riyan ang mga special award na ipinagkaloob sa kanya ng Gawad Tanglaw gaya ng Natatanging Gawad Tanglaw (2004), Gawad Tanglaw Artista ng Dekada (2011), at Presidential Jury Award for Best Film Performances (for Dekad, In My Life, Ekstra, The Healing, at Everything About Her).

Indeed, si ate Vi na nga ang may hawak ng record sa Philippine Cinema bilang mayroong pinaka-maraming bilang ng Best Actress awards from both the major and minor award-giving bodies.

Isang record na mahirap lampasan o mapantayan man lang.

Congratulations ng bonggang-bongga ate Vi. Nag-iisa ka talaga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …