Friday , June 5 2026
Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may akda ng 60 Dream Holidays Around the Worldsi Ms Christine Dayrit. Ito ang naibahagi ng dating Cinema Evaluation Board (CEB) chair nang ilunsad ang librong koleksiyon ng kanyang mga travel article na lumabas sa The Philippine Star simula 2000, sa Cultural Centre of Lipa Lobby sa Lipa, Batangas noong Lunes, December 15, 2025.

Punompuno ng buhay at kasiglahan ang naganap na paglilimbag ng naturang libro na dinaluhan ng mahihilig sa kultura, sining, at paglalakbay. Dinaluhan ito sa pangunguna ni Lipa City Mayor Eric Africagayundin ng mga Lipueno na masugid na patron ng kultura, sining, at paglalakbay na sumasalamin sa lumalagong pagpapahalaga ng lungsod para a makabuluhang turismo at malikhaing pagpapahayag.

Kung bakit paborito niya ang Lipa, ani Ms Dayrit ay dahil sa Ijo. Ang Ijo Bakery ang tinutukoy ni Ms Dayrit na itinayo ng Michelin-trained pastry chef na si Joaquin Katigbak noong 2020, na  nagsimula sa isang hamak na kusina sa bahay at naging isang lugar na puntahan para sa kanilang croissants. Bukod dito, nagse-serve rin sila ng ibang masarap na pastries, tulad ng tarts, brownies, at cookies, na ngayon bukod sa Lipa ay may sangay na rin sa Laguna.

“I love Ijo, it’s only one of it’s kind in the world eh. I traveled everywhere, it’s called the Viennoiseriethe others are Pâtisseriethere’s nothing that compare. So from Manila I come here just to buy the products. And I also like play golf, so I like to go to Malarayat (Mount Malarayat Golf and Country Club). The other favorite is The Farm at San Benito,” wika pa ni Ms Dayrit.

Isang pangunahing highlight nga sa  paglulunsad ng libro ay ang tampok na artikulo sa kampanya ng turismo ng Lipa City, ang #EatPrayLoveLipa.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng may akda ang kanyang holistic na karanasan sa paglalakbay sa Lipa City, isang nakapagpapayamang paglalakbay na nakasentro sa Eating, Strolling at Praying.

Ikinuwento rin ni Ms Christine ang pagtikim ng lokal na lutuin, masayang paglalakad sa lungsod, at pagbisita sa makasaysayang San Sebastian Cathedral, isang minamahal na espiritwal at kultural na landmark na rito ikinasal ang Star for All Seasons na si Vilma Santos kay Batangueno Ralph Recto

Binigyang diin ng may akda kung paano nag-aalok ang lungsod ng Lipa sa mga manlalakbay ng kakaibang timpla ng faith, heritage, warmth, at leisure na ginagawa itong perpektong destinasyon para sa madamdamin at ‘di malilimutang mga karanasan.

“Dinala kami roon ni Joel (Joel Pena Umali, Presidente ng Lipa City Tourism Council, CEO ng Big Ben Complex) kasi we experience the #EatPrayLove when he first invited me. And so I found it’s so comprehensive, it’s so intimate. Anybody who comes here can avail of that. ‘Yung iba kasi pupunta ka sa fiesta, pahiyas or sa Bacolod, pero ilang araw lang iyon. Dito sa Lipa 365 days walang tulugan,” pagbabahagi pa ni Ms Cristine na nagustuhan din aniya, ang Casa de Segunda na pag-aari nina Segunda Solis Katigbak, Dr. Jose Rizal’s firs love na nagmula rin sa Lipa, Batangas.

Bukod sa Lipa, tampok din sa kanyang libro ang bayan ng kanyang ina, ang Capiz.

“My mom’s hometown province, Capiz is there tapos Amanpulo and there’s Bahay Artisano which belongs to Bea Zobel Jr, it’s her Bed and Breakfast tapos dalawang Boracay—Shangri La ang Crimson.”

Sinabi pa ni Ms Cristine na nag-travel siya sa loob ng 25 years at nakapagsulat siya ng 1,000 articles.

Pero this book I only put it this year. All the travelling iyon ang matagal, ‘yung experiences. To choose out of 1,000 down to 60 hindi mahirap. Medyo mahirap not in the sense na may criteria ka, but I listen to my heart. In that sense it becomes easy, ‘di ba it’s all in the head, it’s all in the mind but once you use your heart it’s easy, no brainer,” wika pa ng may akda. 

May 465 pages o apat na kilo ang bigat ng 60 Dream Holidays Around the World book. Mayroon din itong QR code na kapag in-scan ay mapupunta sa website ng particular destination. 

Nang tanungin namin kung anong lugar pa sa Pilipinas ang hindi niya napupuntahan, ani Ms Dayrit, ang Mindanao. “I only went to Davao but not in Zamboanga kaya I want to go. Marami-rami pa.”

Bale six continents na ang napuntahan ni Ms Christine at next year, babyahe siya sa Antarctica para makompleto ang ika-seven continents. Sa kabuuan mayroong seven continents : Asia, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe, at Australia (or Oceania).

Motto ni Ms Dayrit sa kanyang ginagawa, “Do things, even small ones, because they still matter. Every step, every adventure, adds meaning and color to life.”

Napag-alaman pa naming paboritong binabalik-balikan ng may akda ang Sapa, Vietnam. 

Ang events ay inorganisa ng Lipa City Tourism Council sa pangunguna ni Mr. Pena sa pakikipagtulungan ng Lipa City Tourism Office sa pamumuno ni Aylene G Acorda na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na isulong ang Lipa bilang isang makabuluhang destinasyon sa paglalakbay.

Katulong din para maisakatuparan ang event ang Mikabelle’s Kitchen ni Marites Humarang, Lomi King, at IJO Bakery courtesy ng Big Ben na nakadagdag kasiyahan sa pagdiriwang.

Sa matagumpay na paglulunsad ng libro, higit na na-highlight ang Lipa City bilang isang magandang lugar para bisitahin ng mga manlalakbay na maaaring makaranas ng Pagkain, Pagdarasal, Pagbabahagi ng mga pakikipagsapalaran, at paglilibang kasama ang mga mahal sa buhay, tulad ng malinaw na karanasan at magandang isinulat ni Christine sa kanyang libro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …

DOST XII-PSTO Socot South Cotabato Business Conference 2026

Innovate. Collaborate. Elevate. -DOST XII-PSTO Socot Highlights Startup and iHub Initiatives at South Cotabato Business Conference 2026

The Department of Science and Technology – SOCCSKSARGEN Region (DOST XII), through its Provincial Science …