Friday , June 5 2026
Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.

Ito ay ang Four Sisters and a Wedding na ipinalabas noong 2013 at pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.

Binigyang linaw ni Angelica ang tila naging bubog sa kanya na pelikula sa grand mediacon ng pinagbibidahan niyang Metro Manila Film Festival 2025 entry, ang UnMarry kasama si Zanjoe Marudo na idinirehe ni Jeffrey Jeturian mula Quantum Films at Cineko Films. 

Ani Angelica, ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanya na nagsisi siya sa pagtanggi sa isang magandang proyekto kaya hindi na niya pinalampas nang i-offer sa kanya ang UnMarry. Tinanggap niya ito agad nang sabihin sa kanya.

Nangyari na kasi sa akin ‘yun before, eh. Na hanggang ngayon, pinagsisisihan ko. 

“So, ‘pag may maganda akong project na dumarating sa akin ngayon, ayokong palampasin,” paliwanag ni Angelica.

Sa panayam ni MJ Felipe sa Cinema One, inilahad ng aktres ang ukol sa pinagsisisihan pelikulang hindi tinanggap at nasabi nga nito na ang pelikulang Four Sister and a Wedding iyon.

Anang aktres, siya dapat ang nasa role na ginampanan ni Shaina sa nasabing pelikula.

Kakatapos lang kasi naming gawin ‘yung ‘One More Try.’ Hindi naging maganda ‘yung ending namin ni Angel noon. So, nag-give way na lang ako.

Maging magkaibigan na lang tayo sa labas ng trabaho, ‘wag na muna tayong mag-work ulit,” nasabi ni Angelica kay Angel.

Sinabi pa ni Angelica na hanggang ngayon ay hindi pa niya pinanonood ang naturang pelikula dahil bubog niya iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …