Thursday , June 4 2026
Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko iyan,” pahayag ni Sen. Lito Lapid sa mga nagbabalak na gawing biopic-movie ang lifestory niya.

Marami-rami na rin ang nagtanong sa kanya lalo na noong buhay pa ang mentor niyang si Jesse Chua na isapelikula na nga ang kanyang buhay.

Iyan ang ipinakiusap ko sa kanila. Ibalato na iyan sa mga apo ko kung sakaling gagawin na itong movie. Pero siguro hindi pa soon iyan,” dagdag pa ng senador nang muli itong humarap sa mga kaibigan sa media para sa isang Christmas salo-salo.

Very consistent nga si Sen. Lapid na hindi talaga nakalilimot na pasalamatan ang mga taga-showbiz sa ganoong okasyon.

Nang tanungin ito tungkol sa umano’y napipintong paglipat ng management ni Coco Martin dahil sa isyu between TV5 at ABS-CBN, simple nitong sinagot na walang nababanggit sa kanya ang anak-anakang action superstar.

Pero suportado ko kung saan man siya pupunta,” sey nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …