Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG orihinal na love song ng talented na batang si Love Kryzl ang inilabas na titled “Kayong Dalawa Lang.”

Ang kanta ay wedding gift kina Kiray Celis at Stephan Estopia, bilang pagdiriwang ng kanilang paglalakbay sa buhay may-asawa. Ang pamagat  ay simple ngunit may malalim na kahulugan: kapag paulit-ulit mong pinipili ang iyong kapareha, hindi imposible ang “forever.”

Maririnig sa kanta ang isang tunay na kuwento ng pag-ibig, kasiyahan, at ang mga karaniwang pagsubok na pinagdaraanan ng mga magkasintahan bago ikasal—na nagpapaalala na ang pag-ibig ay laging nagwawagi kapag pinipili ang isa’t isa araw-araw. Na ang anumang relasyon ay malalampasan ang lahat, basta’t pinipili ninyong manatili sa isa’t isa.

Ibinahagi rin ni Love Kryzl na hinahangaan niya sina Ate Kiray at Kuya Tepan niya bilang magkasintahan. Malaki ang naging inspirasyon sa kanya ng paraan ng kanilang pag-aalaga at pagmamahalan.

Ang kanta at music video ay iprinodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies.

Inanunsiyo rin na si Love Kryzl ay maglulunsad ng isa pang single ngayong taon at inaasahang magkakaroon ng concert ang batang CEO sa susunod na taon.

Ang music video ng “Kayong Dalawa Lang” ay mapapanood na sa Love Kryzl Facebook Page at sa Love Kryzl’s World YouTube Channel.

Bilang paghahanda sa kanilang kasal, ibinahagi ng actress at CEO na si Kiray Celis na bumili siya ng Purple Hearts Products—ang brand na pagmamay-ari nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid—para isama sa kanilang wedding giveaways.

Nang usisain kung ano ang magiging regalo niya sa kanyang Ate Kiray at Kuya Stephan sa kanilang kasal, ibinunyag ng batang CEO at artist na si Love, may pahintulot ng magkasintahan na ang ireregalo niya ang hotel reception venue at ang event styling ni Gideon Hermosa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …