I-FLEX
ni Jun Nardo
HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng ka-loveteam niyang si Angela Munji ang bida sa buwena manong handog ng Viva sa 2026, ang A Werewolf Boy mula sa direksiyon ni Crisanto Aquino.
Adaptation ito ng isang foreign movie na nagiging werewolf si Rabin kapag nagagalit.
Sa totoo lang, nang ipalabas ang trailer ng movie, ang gagaling nina Angela at Rabin kaya may nagsasabing fans na sila ang bagong JaDine love team!
Sa January ang showing ng A Wereworlf Boy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com