Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hell University Viva One

Mga bida sa Hell University kitang-kita dedication at determination 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BAGAMAT sa January pa eere sa Viva One ang Hell University, sagad-sagaran na sa promo ang mga bida sa mga interview, mall tours, at ilang event na may school program.

Sa ginanap na story conference kamakailan, kapansin-pansin ang mga bagets stars na pawang mga galing sa exclusive schools, with foreign tongues at trip lang talagang mag-showbiz. Pero ang nakatutuwa sa kanila, may dedication and determination sila to learn the ropes of the biz at willing mag-sacrifice para magawa at mabuo ng maganda ang project.

Bumibida sa popular Wattpad series na ito sina Zeke Polina as Ace Craige, Heart Ryan as Zein Shion, Aubrey Caraan as Samantha, Lance Carr as Raze, Jemima Rivera as Nicky, Jastine Lim as Vanessa, Keagan de Jesus as Nazzer,

Jac Abellana as Jerome, Derick Ong as Dave, Gabbi Ejercito as Mia, at Andre Yllana as Matt.

Tatlo sa mga bida ang matatawag na second generation of stars dahil sa mga showbiz family na pinanggalingan nila. Si Andre ay anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana, si Jac ay anak ni Jojo Abellana at pinsang buo ni Carla Abellana, habang si Gabbi ay anak naman nina Gary Estrada at Bernadette Allyson.

Mula sa panulat ni KnightinBlack at idinirehe ni Bobby Bonifacio.

Aabangan natin iyan sa January 2026 sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …