Thursday , June 4 2026
Willie Revillame Wilyonaryoc Jacket

Bigyan ng Jacket Iyan may portion na sa Wilyonaryo ni Willie

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NGAYONG magbabalik-TV na si Willie Revillame, tiyak na magiging exciting uli ang mga game show hindi lang sa TV kundi maging sa mga online platform.

Sa naganap na pirmahan ng kontrata among Willie and his production team, sa mga opisyal ng Cignal TV at TV5, kina Mr. Manny V. Pangilinan at iba pang magiging involve sa Wilyonaryo show, kitang-kita ang pagbabalik sigla ni Willie.

Magkakaroon nga ito ng sarili niyang TV channel sa halos ilang TV channels ng MQuest at doon ay mas malaya nitong magagawa ang lahat ng nais niya para sa isang game show.

In fact, ayon sa panayam kay Willie, bukod sa malalaking cash prizes at papremyo ay may sarili na ring portion ang “bigyan ng jacket iyan” na ikina-excite siyempre ng mga regular patron.

Mukha ngang naka-recover na si Willie mula sa pagkaka-desmaya niya sa laro sa politika. At gaya ng kanyang ipinangako, magbabalik-TV siya bilang Willie na minahal at tinangkilik ng madla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …