MA at PA
ni Rommel Placente
MARAMING nagagalit ngayon kay Marco Masa na mga faney ng loveteam nila ni Ashley Sarmiento.
Lapit daw kasi nang lapit ang young actor sa co-housemate nila na si Eliza Borromeo.
Halatang type niya raw ito.
May isa ngang instance na habang naglalakad sina Marco at Eliza ay nakahawak ang una sa likod at balikat ng huli.
Hindi man lang daw nito iniisip na nasasaktan niya si Ashley. At hindi niya pinoprotektahan ang loveteam nila.
Narito ang reaksiyon ng mga faney ng AshCo.
“Marco nalabas sungay ko sayo, harap-harapan na yan kay Ashley.”
“grabi naman si Matco. Kawawa si Ashley.”
“iba na lang ka-loveteam mo Ash, si Inigo na lang.”
“ano Marco hahayaan ko lang ba lumubog kayo? baka paglabas mo wala ng nakakakilala sayo.”
“sinabihan ka lang ni eliza napanaginipan ka niya panay na dikit mo sa kanya. masakit kay Ashley ‘to na makita ka niya masaya sa iba.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com