Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jovan Dela Cruz Alexis Castro

Celebrity designer Jovan Dela Cruz nagbukas ng 4 na negosyo

MATABIL
ni John Fontanilla

BUKOD sa pagiging sikat at celebrity designer, may iba’t ibang negosyong binuksan si Jovan Dela Cruz ng F&S Tailors sa 1414 Maceda St., Sampaloc Manila.

Bukod sa F&S Tailors, mayroon na rin itong coffee shop, ang Whazzup Brew, Siomai Sisig Galore, Master Mini Doughnut, at Deep Fried Tofu.

Ayon kay Jovan, “Bale naisipan kong magtayo ng iba’t ibang negosyo, dahil mahilig ako magkape kaya gusto ko magkaroon ng coffee shop.”

Dagdag pa nito, “Mahilig din akong kumain at paborito ko ang siomai, sisig, at fried tofu, kaya  ganoong negosyo ang ipinundan ko.

“At saka paborito ko rin ‘yung masarap na malilit na donut.

“And para sa future na rin, iba kasi kapag may negosyo ka na ang katuwang mo ay ‘yung pamilya mo. Bale tinutulungan ako sa business ng mga kapatid ko,” pagbabahagi ni Jovan.

Ilan naman sa celebrities na nadamitan na ni Jovan ay sina Sanya Lopez, Jak Roberto, yumaong Mastershowman German Moreno, Jake Vargas, Hiro Magalona, Kristoffer Martin, Will Ashley, Ima Castro, Sephy Francisco, John Nite, Dj Janna  Chu Chu, Dulce, Bugoy Drillon, KZ Tandingan, Teejay Marquez, Zeus Collins, Wrive, Sex Bomb Girls, Buboy Villar, DongPat, Rayver Cruz, Pepita Curtis, Jason Dy, Wilbert Ross, Rodjun Cruz, Anthony Rosaldo, Michael Sager, DJ Jaiho, Brother Bo Sanchez, Ogie Diaz , Benedix Ramos, Jayson Gainza, Morissette Amon, Andre Yllana, Marlo Mortel, Cecille Bravo and Family atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …