Thursday , June 4 2026
Heart Evangelista ring controversy Chiz Escudero

Heart ayaw tantanan ng intriga

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PATULOY na pinag-uusapan ang pagiging “effective influencer” ni Heart Evangelista.

Nang dahil nga sa pagsuot nito ng singsing na regalo raw ng asawang si Sen. Chiz Escudero, may mga parunggit na naman ang mga basher ng kanyang pagiging ‘nepo wife.’

Good thing na mayroong expert in the field na nagbigay liwanag sa totoong presyo ng pinag-uusapang Paraiba Tourmaline ring.

Magaling lang talagang magdala ng item si Heart. Na kahit siguro puwet ng baso ay magmumukhang super expensive kapag suot niya,” sey ng mga nagsasabing OA naman ang presyo ng naturang singsing.

Ang presyo nga lang daw ng naturang regalo ay tinatayang nasa P500k lamang kompara sa iniuulat na P56-M to P60-M.

Nag-originate sa Brazil ang singsing na ngayo’y isa na rin sa mga super expensive gems sa Japan. At dahil mayroon nga nito si Heart at regalo ng asawa niyang ayaw tantanan ng kontrobersiya, hayun at na-exaggerate na ang mga detalye.

Mahusay lang daw talagang influencer at effective na endorser si Heart kaya’t kahit mga simpleng bagay na kering-keri naman niyang magkaroon siya ay pilit ginagawan ng isyu ng mga trying hard na hanapan siya ng butas.

Mema kumbaga hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …