PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
EIGHTEEN years na rin kaming volunteer ng Gabay Guro na muli ngang nagdiriwang ng Teacher’s Fest ngayong October 25 sa Meralco Theater.
Gaya ng mga taon-taon nitong pagdiriwang, maraming nakahandang mga sorpresa ang pamunuan sa pangunguna ng napakasipag nating kumare/madam Chaye Cabal Revilla, bilang Chairperson (among her other head titles under the Metro Pacific Investments Corp, including mWell).
Ang tema this year ay Sayawan, Kasiyahan, Kalusugan at Unli-Kantahan na mangunguna sina Jona, Jed Madela, Poppert Bernadas, Jamie Rivera, at sina Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid, para aliwin ang ilang libong mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Sina MJ Lastimosa at Dylan Menor ang magsisilbing host ng program, na kung ilang taon din naming ginawa sa maraming venues gaya sa MOA, Ilocos Norte, Butuan, Bohol, Leyte, at kahit abroad—Hongkong at Japan.
Halos lahat na yata ng showbiz icons ay naging parte na ng Gabay Guro at patuloy pa ring sumusuporta gaya nina Pops Fernandez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Dulce, Kyla, Mark Bautista, Christian Bautista, Jaya, Lani Misalucha, Albert Martinez, Julie Anne San Jose, Gabby Concepcion, at Sharon Cuneta.
Tiyak na aapaw na naman ang mga papremyo mula sa sponsors kasama na ang milyong cash prizes at brand new car na mapapanalunan ng mga mapapalad nating guro.
Congratulations po!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com