Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Masculados

Masculados balik- kaldagan sa Universal Records

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAGBABALIK ang Iconic Filipino group na Masculados sa kanilang musical roots dahil muli silang pumirma ng kontrata sa  Universal Records.

Ang Universal ang naglunsad noon sa kanila para makilala kaya naman ganoon na lamang ang excitement nila sa pagbabalik sa record company.

Maging si Universal Records Executive Vice President Ramon Chuaying ay nagbahagi ng kasiyahan sa reunion na ito. Aniya, “We are glad that Masculados is coming back to their home label. We shall be working on new songs with Masculados, and we look forward to delivering more hits. 

“‘Yung mga millennial and Gen Z, gusto nating malaman nila ‘yung kasikatan ng Masculados.”

Excited din ang mga miyembro ng Masculados sa kung ano ang nakalatag na proyekto sa kanila ng record label. “Looking forward kami sa mga project ulit, kasi rito nagsimula ang songs namin at dito naman nakilala ang Masculados,” anang grupo. 

Nangako din ang grupo sa kanilang mga tagasubaybay at fans na sa muling pagbabalik, tiyak na mas masisiyahan ang kanilang mga tagapakinig.

Ipinangako rin nila sa kanilang mga supporter ang “100% kaldagan” sa kanilang mga musika at performance.

Hindi naman na maghihintay ng matagal ang fans sa mga bagong iparirinig na awitin ng Masculados.

Ayon nga kay Universal Records Managing Director Kathleen Dy-Go, pagkatapos na pagkatapos pumirma ng grupo, ini-release agad nila ang exciting budots version  ng Masculado’s hits, ang Jumbo Hotdog, na ini-remix ng internationally-acclaimed DJ Love mula Davao City, na siyang nagpasikat sa budots. 

Una pa lamang ito sa maraming pasabog mula sa Masculados at Universal Records.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …