ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY bagong album na lalabas si Marlo Mortel under Star Music. Bale ito ang second album ng singer/actor.
Aktibo ngayon si Marlo sa kanyang pagiging musician, kasama ng banda niyang Marlo Mortel and the POV Band. Mapapanood sila sa District One sa BGC and TakeOver Lounge, Katipunan.
Bukod sa balitang ito, maraming dapat abangan sa kanya, na very soon ay malalaman din ng fans and socmed followers ni Marlo.
Kuwento niya sa amin sa FB, “Second album ko po ito under Star Music, ten tracks ito at ako ang nagsulat ng eight songs dito. Yes digital ito, ang release ng album ay sa September 19.”
Ano ang title ng new album niya?
“Secret pa po iyong title ng album,” matipid na tugon ni Marlo, sabay tawa.
Parang mas focus ba siya ngayon sa kanyang singing career, kaysa sa pagiging actor?
Tugon niya, “Yes, sa ngayon ay mas focus ako sa music. Pero nagbalik acting na rin ako last month lang. Nagte-taping na ako for What Lies Beneath. May nag-leak na rin kasi na kasama ako roon sa cast.
“So yes, kasama ako roon, hindi ko pa lang puwedeng i-disclose iyong character ko. But it’s a series under ito sa ABS CBN. Kasama ko sa serye sina Janella Salvador, Charlie Dizon, Kaila Estrada, at Sue Ramirez.”
Pagpapatuloy na tsika pa niya, “Pagdating sa mga singles ko, ang pinakabago ko ay iyong Mayakap Kang Muli, it’s an independent song. But iyong album ko, iyong sampung tracks doon, kasama iyong isa kong single na Huling Ngiti.
“Iyon ang song na ginawan ko ng music video, ako ang nag-co-produce at nandoon si Janella (Salvador) as my partner.”
Dagdag pa ni Marlo, “Sa mga gigs naman, lagi kaming puno ng band ko kapag nag-gi-gig. And may mga upcoming din kami, mga twice a month kaming naggi-gig.
“Tapos, may mga upcoming pa ako na mga mangyayari sa career ko, pero hindi pa po puwedeng i-disclose,” pakli pa niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com