Thursday , June 4 2026
Barbie Forteza Ruffa Gutierrez Kyline Alcantara

Puksaang Velma vs. Shari kasado na; Beauty Empire panalo sa primetime ratings

RATED R
ni Rommel Gonzales

LALONG nagiging exciting ang mga kaganapan sa revenge drama series na Beauty Empire sa pag-uumpisa ng pasiklaban nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara) para sa pinakamataas na posisyon sa Velma Beauty. 

Sumakses na nga si Noreen (Barbie Forteza) sa kanyang plano na makuha ang loob ni Velma para tuluyang mapatumba si Shari. At sa pagbabalik ni Velma sa kanyang kompanya, ikinasa na niya ang hamon kay Shari na labanan siya para magkaalaman na kung sino ang karapat-dapat na maging CEO ng Velma Beauty. Kaya naman ang viewers at netizens, abangers na sa puksaang #TeamVelma vs. #TeamShari.

At sa patindi nang patinding mga eksena, hindi maitatangging tinututukan ito ng sambayanan. Katunayan, batay sa data ng Nielsen TV Audience Measurement, nakakuha ang programa ng average combined  (GMA/GTV) people rating na 4.1% sa Total Philippines at 4.6% sa Urban Philippines mula July 7 (pilot episode) hanggang August 7. Talo nito ang Sins of the Father na nakapagtala lamang ng 2.9% average combined (A2Z/TV5/Kapamilya Ch./Jeepney TV) people rating sa Total Philippines at 3.1% sa Urban Philippines sa kaparehong period.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …