PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NANINIWALA pareho sina Bela Padilla at JC Santos na hindi pang-dekorasyon lang si Kyle Echarri sa balik-tambalan nilang 100 Awit Para kay Stella.
“Grabe pero ibang klaseng aktor si Kyle. Importanteng-importante ang role niya sa movie dahil after 8 years, hindi na kami mga student sa istorya,” tsika ni JC.
Susog naman ni Bela, “he is a committed actor. Marunong at mahusay, guwapo pa.”
“Actually, nagtatanong pa rin po ako kung bakit ako kinuha sa movie. I have but huge thanks to Viva dahil sa importanteng project na ito. Sa mga maiinis o magagalit sa akin bilang si Clyde sa movie, naku po, sorry. Sana nga nagawa ko ‘yung demand ng role,” hirit naman ni Kyle.
Although mas may edad nga sina Bela at JC kompara sa bagets na si Kyle, hindi ‘yun naging isyu sa daloy ng movie lalo’t nag-evolve nga ang kwento nina Stella at Fidel sa bagong bersiyon na ito under director Paul Jason Laxamana.
“Eight years ago na since mahalin nila ang tandem namin. I even considered it to be my first ever biggest movie hit at iba na ‘yung pressure this time na may ka-triangle kami in Kyle,” sey ni Bela.
Ipalalabas sa Sept. 10 ang movie at ang bonggang news ay nagawa ng Viva Entertainment na babaan ang ticket prices sa mga sinehan.
Sa Metro Manila ay papalo lang sa P275 ang presyo habang sa mga probinsiya ay P 230.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com