Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Rhea Tan Rotary Club of Balibago

Piolo sinugod sa stage habang naghaharana

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MALAKAS pa rin talaga ang hatak o dating ng isang Piolo Pascual. Napatunayan namin ito nang pagkaguluhan ang hunk actor sa induction ng bagong pangulo at opisyales ng Rotary Club of Balibago na ginanap noong Biyernes sa Hillton Ballroom sa Clark, Pampanga.

Hindi napigilan, ng mga Rotarian, lalaki man o babae ang akyatin at sugurin si Piolo sa stage kahit hindi pa ito tapos kumanta.

Hindi makamayaw ang mga ito nang dumating si Piolo para haranahin ang bagong halal na pangulo ng Rotary Club of Balibago at CEO/President ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche-Tan. Segue sa pagpunta sa stage ang mga Rotaran para makapagpa-selfie sa aktor.

Kaya nga natatawang tinuran ni Piolo na patapusin siyang kumanta. 

Opisyal na nanumpa ang Beautéderm CEO na si Ms Rei bilang bagong presidente ng Rotary Club of Balibago kasama ang iba pang mga bagong halal gayundin ang mga bagong miyembro nito.

Star studded ang induction na dinaluhan ng mga personalidad mula public service, mga kilalang negosyante, at showbiz personalities sa isang pagdiriwang na talaga namang makinang at may isang malakas na mensahe ng pangako ng komunidad.

Ang seremonya ay pinangunahan ni DJ Jhai Ho, nagdagdag sigla sa gabi. Kabilang sa mga high-profile na dumalo ay ang Beautéderm brand ambassadors tulad ng dating PBB: Collab housemate Josh Ford, singer Cacai Bautista, young stars Kimson Tan at Gillian Vicencio, leading men na sina Ejay Falconat Ervic Vijandre, actor/singer Jojo Abellana kasama ang anak na si Carl, social media personality Pepita Curtis, actress Anna Feo, comedienne-singer Kitkat, at mga dating beauty queen na sina Rochelle Barrameda, Alma Concepcion, Maricel Morales, at Thia Tomalla.

Sa kanyang inaugural speech, nagpasalamat si Ms Rei  sa mga opisyal at miyembro ng Rotary, sa media at sa kanyang pamilya — sina Mommy Pacita at mga anak na sina Kent at Aubrey. Binalangkas niya ang mga layunin sa pamumuno para sa taon, na nakatuon sa mga hakbangin na tututok sa kabataan, kalusugan, at edukasyon.

Isa sa mga pangunahing proyekto ni Ms Rei ay palakasin ang pagpapahalaga sa sarili ng mga estudyante na nahaharap sa mga hamon sa kalusugan ng isip na nauugnay sa mga isyu sa balat. Sa pakikipagtulungan ng kanyang Beautéderm at ng The Beauté Haus, magbibigay ito ng libreng dermatological treatment at wellness support sa mga piling kabataan.

Inilunsad din ng mabait na negosyante ang adbokasiya na “Yes to Love” — isang kampanyang magbibigay ng ₱5 para sa End Polio Now ng Rotary International na sa bawat produktong Beautéderm na mabebenta. Ilang pangunahing sangay sa Angeles, Baguio, Clark, at Marquee Mall ang nakiisa sa kampanya, at marami pa ang hinihikayat dito. 

Prioridad din nila ang  edukasyon. Inihayag ni Ms Rei ang pagpapalawak ng kanyang umiiral na scholarship program sa Vigan, Ilocos Sur — na kasalukuyang sumusuporta sa 50 mag-aaral sa kolehiyo — na isasama ngayon ang 10 bagong iskolar mula sa Pampanga sa ilalim ng Contribeaut: Scholarship Grants for College Students.  Ang mga mag-aaral na ito ay bibigyan ng buong scholarship hanggang makatapos sa kolehiyo sa ilalim ng Rotary Club of Balibago.

We must use our privilege, voice, and success to benefit others,” bahagi ng speech ni Rei. “When we are granted a seat at the table, let others sit beside you. Don’t leave anyone out — everyone belongs to everyone. 

“To everyone in the Rotary Club of Balibago, thank you for the trust. In our quest to be the best organization, we must never lose sight of what truly matters — uplifting others, seeing them for who they are, connecting with them, giving them a voice and motivating the next generation of advocates to unite for good,” wika ni Rhea.

Magsisilbing presidente si Ms Rei para sa Rotary Year 2025–2026. Kilala sa kanyang pagkakawanggawa, binigyang-diin niya ang pangakong uunahin ang serbisyo, pagsasama, at pangmatagalang lunas.

Dinaluhan din ang induction ng mga opisyal ng distrito ng Rotary, mga nakaraang gobernador, at mga panauhin mula sa publiko at pribadong sektor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …