Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB
MTRCB

Espesyal na diskuwento, ibinigay ng MTRCB para sa mga restored na pelikulang Filipino

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAS mababang bayad.

Iyan ang bagong polisiya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa mga restored na pelikulang Filipino.

Batay sa Memorandum Circular No. 06-2025, bahagi ang bagong patakaran sa patuloy na adbokasiya ng MTRCB na itaguyod at isulong ang pagkakakilanlan at artistikong pamana ng mga Filipino sa pamamagitan ng pelikula. 

Inamyendahan din ang mga probisyon sa ilalim ng Memorandum Circular No. 03-2016.

Mula sa dating ₱8,862.75 (50% na discount sa regular na halaga) ipatutupad na ang ₱3,500.00 para sa pagrerebyu ng mga restored na pelikula.

Wala namang pagbabago sa halaga pagdating sa mga katulad na trailer at ibang materyal.

“Sa pamamagitan ng resolusyon na ito, layunin po namin na paigtingin ang pagsuporta sa restorasyon at preserbasyon ng mga pelikula para mas maging abot-kaya para sa mga producer at mga tagapagtaguyod  nito,” sabi ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.

Narito ang proseso para sa aplikasyon:

– Liham ng Kahilingan: Kailangang magsumite ng liham na nagpapaliwanag sa kahalagahang kultural, historikal at artistiko ng pelikula. Dapat ay naipalabas na ito nang hindi bababa sa 10 taon bago ang petsa ng aplikasyon.

– Patunay ng Pagkaka-restore: Dapat magpasa ng sworn affidavit o sertipikasyon mula sa produksiyong nagsagawa ng restorasyon, na naglalaman ng maikling paglalarawan sa ginamit na proseso at teknolohiya.

– Pagkilala: Dapat ay may wastong pagkilala sa orihinal na mga lumikha at restoration team, pati na rin ang contact information ng aplikante at ang may hawak ng karapatan.

“Nawa’y sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay mahikayat pa ang ating mga stakeholder at ang industriya ng pelikula sa Filipinas na buhayin muli ang mga klasikong pelikula—hindi lamang para sa kanilang historikal na kahalagahan, kundi upang isulong ang responsableng panonood at ipagmalaki ang yaman ng ating sining,” sabi pa ni Sotto-Antonio.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Review and Classification Division sa (02) 8376-7380 o mag-email sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …