Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kasalukuyan ay nakakulong sa ICC detention center sa The Hague, Netherlands.

Sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaresto si Digong noong Marso 11 ng pinagsanib na puwersa ng Interpol at PNP sa kasong crimes against humanity. Si Digong ay 80 taong gulang.

Mismong ang dating asawang si Elizabeth Zimmerman ang nagsabing bukod sa mahinang kumilos at maglakad, si Digong ay hindi na rin umiinom ng kanyang maintenance medicine.

Si Elizabeth ang nagbunyag na ‘buto’t balat’ ang anyo ni Digong.

Direktang sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na sa huling habilin ng kanyang amang si Digong, gugustuhin daw niyang i-cremate na lamang ang katawan kung mamamatay sa Netherlands at iuwi ang abo sa Filipinas.

Kung titingnan mabuti, malinaw ang mga pahiwatig ng pamilya ni Digong na ano mang oras, inaasahan nilang maaaring bawian ng buhay ang dating pangulo.

At sa sandaling mangyari ang malungkot na katotohanan, marami ang nagsasabing tiyak na magiging magulo ang Filipinas at isang malaking bangungot sa pamahalaan ni Bongbong ang kamatayan ni Digong.

Pinaniniwalaan din na pipilitin ng mga DDS na maulit ang makasaysayang 1986 EDSA People Power 1 at sa pangalawang pagkakataon ang pamilya ni Bongbong ay kanilang patatalsikin sa kapangyarihan.

Sa pagdating ng bangkay ni Digong sa Filipinas, asahang isang malaking funeral march ang isasagawa at ang sunod-sunod na kilos-protesta tulad ng mga rally at demonstrasyon ang gigimbal sa administrasyon ni Bongbong. 

Tiyak din na hindi iilan ang mga politikong ‘babalimbing’ kabilang na ang iba’t ibang political organizations at iiwan si Bongbong para suportahan si Sara.

Kung lubos na magiging magulo ang bansa, inaasahang marami rin ang magbabaliktaran sa hanay ng PNP at AFP, at babaklas ng suporta sa gobyerno ni Bongbong.

At kung tuluyang mapapatalsik si Bongbong sa kanyang puwesto, saan naman kaya ang kanilang pamilya pupunta?  Sa Hawaii ulit o sa Paoay na?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …