Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dylan Yturralde Reign Parani Jas Dudley-Scales Argel Saycon

Dylan, Reign, Jas, Argel handang-handa na sa Star Magic All-Star Games 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAS pinasaya ngayong taon ang All-Star Games dahil sa pinagsama-samang familiar court fan-favorites at bagong stars na manlalaro ang matutunghayan. Kasama rito ang mga Star Magic sporty stars na sina Dylan Yturralde, Reign Parani, Jas Dudley-Scales, at Argel Saycon.

Ang All-Star Games ay gaganapin sa sa July 20 sa Smart Araneta Coliseum na punompuno tiyak ng energy ang lahat ng makikilahok na sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng Men’s Volleyball na kasali si Dylan ng PBB Gen 11 na kilala bilang “Astig Volleybae ng Pampanga.”

Dating manlalaro ng University of the East si Dylan kaya naman may dala siyang solid experience sa court. Bukod sa All-Star Games, mapapanood din siya sa kanyang acting debut na Love at First Spike. 

Sa ginanap na Star Magic Spotlight media con, inamin ni Dylan na medyo kinakabahan siya pagsabak niya sa All-Star Games.

Kabado na masaya. I’m blessed kasi siyempre first time magkaroon ng Men’s volleyball sa Star Magic Games. Ang wish ko lang noon ay makapanood, ngayon, maglalaro na ako,” masayang sabi ni Dylan.

Kabado rin siya sa unang pagsabak niya sa acting na dumating pa sa puntong kinukuwestiyon ang sarili kung kaya niya 

“Pero ang unang nilapitan ko po ay mga batchmate ko sa ‘PBB,’ sina Dong and Pat. Ayoko siya gawin ng basta-basta. Gusto ko siyang gawin ng maganda,” giit pa ng manlalarong aktor. 

At tulad ni Dylan, balik-court din sa ikatlong pagkakataon sa All-Star Games si Reign  ng Team Lady Setters. Kasama si Reign sa PBB Season 8: Teen Edition at  2nd Runner-Up ng Binibining Pilipinas 2023. 

Sa unang lead role ni Reign makakatambal naman niya si Emilio Daez sa Love at First Spike.

“Third year ko na po (All-Star Games). Super saya po. Hindi lang body conditioning ‘yung ginagawa namin. It’s also a test of patience,” sambit naman ni Reign nang mausisa ukol sa magaganap na sports event.

Kasama rin sa Team Lady Setters si Jas na kilala bilang “Optimistic Ate ng Dumaguete.”  First time namang maglalaro sa All-Star Games si Jas.

“No one really starts na magaling. I’m learning, slowly. They’re all very helpful naman and very sweet,”ani Jas ukol sa ginagawang paghahanda sa laro. 

Kasali naman sa basketball department at sa inaabangang rematch ng Team Shooting Stars vs Team Payaman si Argel na mula sa Pinoy Big Brother: Season 8Adult Edition. 

Aktibo si Argel sa sports gayundin sa  pag-arte na mapapanood siya sa indie film na  Some Nights I Feel Like Walking. 

“Ngayon na hahawakan ni Kuya Gerald, kasi alam namin kung paano siya mag-training, tinatawag namin siyang ‘Mamba mentality’ kasi grabe talaga ang passion niya sa basketball. Magkakaroon ka ng respeto sa disiplina niya,” ani Argel na pang-apat nang pagkakataon na makakalaro sa All-Star Games.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …