Thursday , June 4 2026
Daniel Padilla

Daniel umamin nag-alangang tanggapin seryeng kinabibilangan

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-AALANGAN pala noong una si Daniel Padilla na tanggapin ang seryeng Incognito noong i-offer sa kanya ng ABS-CBN.

Ito kasi ‘yung panahong may pinagdaraanan siya sa kanyang personal na buhay, kaya hindi niya alam kung maibibigay niya ang lahat-lahat sa teleserye.

Alam natin kung gaano ako nag-alinlangan bago ko simulan at tanggapin ito. Nasa punto ako noon na sobrang gulong-gulo isip ko, litong-lito talaga ako,” sabi ni Daniel.

Pero I think tama si Maris na ito rin ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa buhay ko, grabe! 

“Grabe ang lahat ng natutunan ko, grabe ang lahat ng pinagdaanan ko. Salamat sa Panginoon, ang galing Niya talaga. Thank you everyone!” 

Sa tanong kung ano ang mga hindi niya malilimutan at challenging fight scenes na ginawa niya sa serye, ang sagot niya, “Lahat naman ay challenging, siguro ang pinaka-memorable na lang ay ‘yung una at huling fight scenes ko. 

“Y’ung first fighting scene ko ay ‘yung sa train, memorable sa kin ‘yun dahil ‘yun ang unang sabak ko. Talagang si Direk (Lester Pimentel) ay pinarusahan ako roon.

“Biro mo first fight scene ko ‘yun, tapos ang kalaban ko halos 10 yatang lalaki ‘yun. Siyempre ang hirap ng choreo niyon, nakakapagod. Memorable rin po ‘yung last fight scenes ko, iba rin ‘yun. ‘Yun ang dapat niyo ring abangan,” sey pa ni Daniel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …