Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nathan Studios GMA Pictures

GMA Pictures, Nathan Studios gagawaran ng special award sa 8th EDDYS 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ESPESYAL na bahagi ng inaabangang 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang pagkilala sa Producer of the Year at Rising Producer Circle award.

Taon-taong iginagawad ito ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choicepara pahalagahan ang mga production company na hindi sumusuko at patuloy ang pagsugal sa industriya ng pelikulang Filipino sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

Sa ika-8 edisyon ng The EDDYS, ia-award ang Producer of the Year sa GMA Pictures na nasa likod ng mga blockbuster at premyadong pelikula tulad ng Fireflies, Green Bones at iba pang mga makabuluhang pelikula na tumatalakay sa totoong mga pangyayari sa ating bayan.

Co-producer din sila ng pelikulang Hello, Love, Again

Ang Rising Producer Circle award naman ay ipagkakaloob sa Nathan Studios, ang nag-produce ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na Topakk at ilang digital series, kabilang na ang Cattleya Killer. 

Bukod dito, ilang special awards din ang ipagkakaloob sa 8th EDDYS. Ang showbiz columnist, TV-online host at content creator na si Ogie Diaz ang tatanggap ng Joe Quirino Award habang ang Manny Pichel Award ay igagawad sa dating entertainment editor na si Crispina Belen.

Si Joe Quirino o JQ ay isang entertainment columnist na sumikat bilang host sa telebisyon noong 1970s at 1980s. Habang si Manny Pichel ay isang mahusay na entertainment broadsheet editor/writer.

Para naman sa Isah V. Red Award na ipinagkakaloob ng The EDDYS taon-taon sa mga personalidad na walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan, ipagkakaloob ito sa actor-entrepreneur-producer na si RS Francisco.

Kabilang din sa magiging highlight ng ika-8 edisyon ng The EDDYS ang pagkilala at pagbibigay-parangal sa anim na Movie Icons – sila ay ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

Ang 8th EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Mamimigay din ng 14 acting at technical lawards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Muli ring bibigyang-pugay ng samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.  

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON (philstar/ngayon) at Pang Masa (philstar/pangmasa).

 Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …