MATABIL
ni John Fontanilla
MAY pasabog ang aktor na si James Blake sa kanyang 28th birthday na ipinost sa kanyang Instagramna ikinabaliw ng netizens at ng kanyang mga tagahanga.
Ito ay ang kanyang birthday photo shoot na naka-black brief lang.
Ang sexy at daring picture ay may caption na:
“In my birthday suit.”
Sobrang daring at sexy talaga ang kanyang mga larawan na kuha ng celebrity photographer na si Dookie Ducay.
Nag-post din ito ng kanyang intimate birthday celebration kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
“I’m beyond grateful for this life, my family, career, and the people who genuinely care and support me,” sabi pa ng aktor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com