Jace Salada

Child star Jace Salada gustong maging action star  at komedyante 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGING action star at komedyante ang pangarap ng child star na bida sa advocacy film na Aking Mga Anak  na si Jace Salada.

At kahit nga madrama ang mga eksena sa pelikula ay mas gusto nito ang action at comedy.

“I like action and comedy, I enjoy watching action and comedy film.

“And I always make my family  and friends laugh, that’s why I think I’m good in comedy. I don’t like drama, it’s hard for me to cry.”

At sa eskuwelahan na pinapasukan ni Jace na grade four na ay tinutukso-tukso siya dahil napapanood sa award winning children show sa IBC13, ang Talents Academy.

Pero I tell them na I’m not that famous, because I’m just starting, but I thank them for watching our show.”

At kahitnga pinasok na rin ang pag-aartista ay hindi naman nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Nagpapasalamat ito sa kanyang mga magulang at lolo na 100% ang suporta sa kanyang pag-aartista.