Thursday , June 4 2026
PBB Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab

Mga artistang papasok sa Bahay ni Kuya marami pa

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SUNOD-SUNOD ang pagpasok ng mga kilalang artists na naging houseguests ni Kuya.

Nauna si Heart Evangelista na nataon naman ang pagpasok sa PBB sa mga balitang mainit na binabatikos ang asawang si Sen. Chiz Escudero dahil sa usaping ‘impeachment kay VP Sara Duterte.’

Marami tuloy ang nagduda na baka raw pambalanse lang ito sa tila bad image na nakukuha ng asawa?

Then sumunod naman si Gerald Anderson na naging parte pa ng isang task na ibinigay ni Kuya para sa mga housemate. Siyempre pa, nakakonek ito sa upcoming series ni Ge na ipalalabas na soon.

Then came Barbie Forteza na mayroon ding Beauty empire series na ipalalabas sa GMA 7 at iba pang platform. 

Ang last na nakita namin na nakipagkulitan sa mga housemate ay si Maris Racal, dati ring naging housemate ni Kuya at bongga ang exposure sa ongoing na Incognito series. 

Ang tsika, mayroon pang mga exciting celebs na papasok o bibisita lalo’t nalalapit na ang less than a month airing ng show before it’s grand finals.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …