Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim 19 taon na sa showbiz, nagbalik-tanaw sa simpleng pangarap

MA at PA
ni Rommel Placente

NINETEEN years na pala sa showbiz si Kim Chiu.  Isang taon na lamang at dalawang dekada na siya. Sa mga bagong henerasyon na artista, achievement na itong maituturing. 

At bilang pasasalamat, nag-post ang aktres ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang social media, na sinumulan niya sa pagsasabing nangarap lang siya noong sumali sa Pinoy Big Brother.  

Nineteen years ago, I was just a young dreamer who wanted to be seen on television—no idea where life would take me, no certainty, just faith,” simulang post ni Kim.

Sino nga raw ang makaIisip na ang simpleng pangarap ay maisasakatuparan. 

Nagpasalamat siya sa kanyang mga supporter, na mula sa unang pagtuntong niya sa PBB at hanggang ngayon, ay patuloy na sinusuportahan at minamahal siya.

“Your unconditional love, your cheers, your patience, your endless support in every projects, teleseryes, variety shows, concerts, movies, commercials, and even in the quiet moments—thank you.”

Walang sapat na salita para ilarawan, ani Kim ang kanyang nararamdaman dahil sobra niya itong na-appreciate lalo na sa mga panahong muntik na siyang sumuko dahil sa mga intriga noon. 

Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang Panginoon na nagbigay sa kanya ng courage para magpatuloy at nanatiling mapagkumbaba. 

“This life, this journey… it’s all because of You,” pagtatapos niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …