Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Robin Padilla RA12160 Islamic Burial

Sen Robin ibinahagi pagpirma ni PBBM sa Philippine Islamic Burial Act

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

AKMANG-AKMA ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Republic Act No. 12160 o mas kilala bilang Philippine Islamic Burial Act. Ito iyong batas na naglalayong tiyakin ang mga yumaong Muslim na maililibing agad.

Mula sa tanggapan ni Senador Robin Padilla, inihayag nito ang pagpirma ni PBBM sa Republic Act No. 12160. Nakapaloob sa batas na ito ang agarang pagpapalabas ng bangkay: Ang mga ospital, morgue, kulungan, at iba pang pasilidad ay inaatasang i-release ang bangkay ng yumaong Muslim sa loob ng 24 oras, kahit kulang pa ang ilang dokumento tulad ng death certificate;

Walang pagpipigil dahil sa bayarin: Hindi maaaring i-hold ang bangkay dahil sa hindi pa bayad na hospital bills. Maaaring magbigay ng promissory note ang pamilya para mai-release agad ang bangkay;

Pagsunod sa ritwal ng Islam: Ang bangkay ay dapat balutin ng puting tela (kafan), ilagay sa sealed na kahon, at ilibing bago ang susunod na adhan (tawag sa pagdarasal);

Pag-uulat ng kamatayan: Ang kamatayan ay dapat i-report sa lokal na health officer sa loob ng 14 na araw matapos ang libing upang ma-issue ang death certificate at matukoy ang sanhi ng kamatayan.

Ani Sen Robin, “Ang batas na ito ay isang malaking hakbang sa pagkilala at paggalang sa mga tradisyon at paniniwala ng ating mga kapatid na Muslim. Tinitiyak nito na ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay maililibing nang marangal at ayon sa kanilang pananampalataya.”

Kamakailan nga  si Ka Freddie na kilala rin bilang Abdul Farid matapos ang kanyang pagyakap sa Islam noong 2013, ay pumanaw noong Mayo 27, 2025, dahil sa multiple organ failure. Ayon sa Islamic tradition at sa bagong batas, siya ay inilibing sa loob ng 24 oras sa Manila Islamic Cemetery. Ang kanyang libing ay pinangasiwaan ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office, na nagsigurado na ang lahat ay ayon sa ritwal ng Islam.

Kaya hinihikayat ni Sen Robin ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, ospital, at lokal na pamahalaan na maging pamilyar sa mga probisyon ng RA 12160 at tiyakin ang maayos na pagpapatupad nito. Ang batas na ito ay simbolo ng pagkakaisa at paggalang sa iba’t ibang pananampalataya sa ating bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …