Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen Lopez na huling nakita noong Lunes ng tanghali, Mayo 5.

Ayon sa manager nitong si Lito De Guzman, hindi na niya makontak ang alaga matapos sunduin ito ng boyfriend sa tinutuluyang condominium unit. At maging ang boyfriend ni Karen, hindi rin nila makontak.

Kaya naman kinakabahan at ninenerbyos na sila dahil baka kung  ano na raw ang nangyari sa kanyang alaga.

Hindi rin ito sumipot sa huling shooting para sa isang pelikula sa VMX, noong Miyerkules, Mayo 7. Dito na labis kinabahan ang talent manager dahil hindi naman daw nale-late sa call time si Karen.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang update kung may balita na ba tungkol kay Karen at maging sa umano’y boyfriend na sumundo sa condo unit at hindi rin malaman kung nasaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …