Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa lalawigan ng Iloilo, nitong Huwebes, 8 Mayo.

Ayon kay P/Lt. Mark Cortez, deputy chief ng Leon MPS, pauwi na sa Brgy. Ingay mula sentro ng bayan nang maganap ang aksidente.

Lulan ng jeep ang sampung pasahero at tumigil sandali sa Bgry. Cagay upang maghatid ng mga sako ng bigas at feeds ng mga hayop.

Ani P/Col. Cortez, binabagtas ng jeep ang pataas na kalsada nang bigla itong umatras pababa.

Nang tangkain ng driver na kinilalang si Jose Caumban, na magmaaniobra patagilid bigla itong tumaob.

Dinala ang anim na sugatan sa rural health center ng Leon at nilapatan ng lunas bilang mga outpatient, habang dinala ang dalawa sa Aleosan District Hospital sa kalapit na bayan ng Alimodian, Iloilo.

Samantala, dinala ang isa pang sugatang pasahero sa Western Visayas Medical Center, sa lungsod ng Iloilo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …