Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan

Andrew ‘di ipagpapalit pagkalalaki sa materyal na bagay

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATATAWA naman iyan,” ang bulalas ni Andrew Gan sa tanong namin kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag natsismis na niregaluhan ng isang mayamang bading ng dalawang gasoline station.

Bagong negosyo kasi ni Andrew ang pagiging shareholder ng EcoEnergy branches sa Fernando Poe Avenue (malapit sa Fisher Mall sa Quezon City) at sa North Caloocan.

 “Nakaa-amaze lang at naa-amuse ako kung iyan ang iisipin ng ibang tao. Pero siyempre, haharapin ko sila ng taas-noo, hindi totoong binigyan ako ng bading ng gasolinahan.

“Mga kababata ko ang partners ko sa business venture na ito.”

Ang iba pang mga partner ni Andrew sa EcoEnergy ay sina David Dai, Chan Yik Yeung, Alvin Lam, at Alex Ortiz.

Magkababata at pare-pareho silang nag-aral noon sa isang Chinese school sa Caloocan, ang Philippine Cultural High School.

Hindi kasi ako ‘yung lalaki na ibibigay ko ‘yung sarili ko para lang makatanggap ng anumang mga materyal na bagay.

“Matagal na ako sa showbiz at ‘pag may ganyan na alam mo naman na imbentong isyu hindi ko na lang pinapatulan,” saad pa ni Andrew.

Dugo at pawis na galing sa mga raket niya sa showbiz for so many years ang isinosyo ni Andrew sa EcoEnergy, bukod pa sa siya ang celebrity endorser nito.

Bukod sa dalawang EcoEnergy gasoline station (na mura at de-kalidad ang gasolina) ni Andrew nariyan din ang Releaf Massage and Nail Spa na sa Karuhatan, Valenzuela City.

Bilang artista at Viva contract star naman, mga bagong proyekto ni Andrew ang Deetzy medical series na Naked Truth at ang period movie na Dango.

Naging guest rin si Andrew sa Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Anthony Jennings, at Maris Racal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …