Thursday , June 4 2026
Laziz Rustamov Amy Austria Fake Love Tadhana

Int’l model na si Laziz Rustamov napa-inlab si Amy

NAPAKA-SUWERTE naman nitong international model at dating PBB Season 10 Housemate, si Laziz Rustamov dahil nakatrabaho at nakapareha niya agad ang beterana at award winning actress na si Amy Austria. Ito ay sa Tadhana na tatlong linggo siyang mapapanood.

Ang Fake Love ng Tadhana ay ukol sa isang AFAM na nagpapaibig ng mga malulungkot na middle-aged women at pagkatapos ay pineperahan.

Bagamat may pagka-naughty at bad boy ang role ni Laziz sa Tadhana, ibang-iba naman siya in real life. Never siyang umasa kahit kanino dahil 12 years old pa lang siya ay natuto nang magtrabaho para sa pamilya sa Uzbekistan. 

Sa kuwento ng kanyang manager na si Charlotte Dianco, maagang tumayo sa sariling mga paa ang aktor/modelo. Pinagsabay nito ang pagtatrabaho, pagiging atleta, at pag-aaral dahil ito lang ang lalaki sa pamilya. 

Tulad ng karakter na ginagampanan ni Laziz sa Tadhana bilang si Stefen, magaling din magluto si Laziz dahil ang buong angkan nito ay magagaling na chef at magluto

In fact, isa sa mga pangarap niya ay makapagbukas ng isang restoran. Pero sa ngayon, sa acting muna siya naka-concentrate.

Mapapanood ang Tadhana tuwing Sabado, 3:15 p.m. sa GMA7. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …