Thursday , June 4 2026
Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, na tumakbo bilang congressman ng unang distrito ng Quezon City, wagi agad siya.

Paano kasi, ramdam ng kanyang constituents na magiging mabuti siyang congressman, at sincere sa kanyang mga pangako na  magagandang proyekto ang gagawin sa nasabing distrito. At ayun nga, nang maupo bilang congressman ay tinupad niya ang kanyang mga pangako.

Marami siyang nagawang proyekto sa kanyang distrito.

Sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong Lunes ng hapon, emosyonal si Cong. Arjo.

Ang dami niyang pinasalamatan na bagama’t first timer aniya siya sa politika, hindi siya nahirapan dahil sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ang mga magulang ­niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, ang kanyang mga kapatid, misis niyang si Maine Mendoza at ni Mayor Joy Belmonte na nagme-mentor sa kanya.

Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.

Binigyang diin din niya sa privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito na kailangan aniya ng suporta ng national government.

Pero ang isang standout project sa kanyang Aksyon Agad na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels, na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …