Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Hajji Alejandro Wilson Lee Flores

Sen Imee ipinagdarasal mabilis na paggaling ni Hajji 

I-FLEX
ni Jun Nardo

PRANGKA at walang off the records kay Senator Imee Marcos nang humarap siya sa media sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery and Café ni Wilson Flores noong Biyernes.

Bahagi ng pagiging Chairman ng Foreign Relations ni Sen. Imee ang imbestigasyong isinagawa sa pagdakip kay former President Rodrigo Duterte.

Kaibigan ng senador ang mga Duterte at wala itong kinalaman sa muli niyang pagtakbo bilang senador. Hindi pa tapos ang report na gagawin niya kaya baka magkaroon ng second hearing.

Sa mediacon, natanong din ang reaksiyon ng senador sa cyberlibel case ni Darryl Yap.“Matalino si Daryly at alam kong lalaban ‘yan!” sagot ni Sen. Imee.

Pati ang presence ni Senator Robin Padilla sa Hague, Netherlands, saad ni Sen. Imee, “Mabuhay si Robin!”

May mga tanong ‘din tungkol sa kapatid siyang si PBMM pero hayaan na ninyong sa TV at hard news reporter ang mag-report nito.

Basta pagdating sa entertainment, ipinagdarasal din ng senadora ang mabilis na paggaling ng singer na si Hajji Alejandro na naging bahagi ng OPM contest noong panahon ng yumaong ama niya.

Basta para kay Sen Imee, patuloy pa rin ang contest na project niya sa paglikha ng OPM songs na ang premyo ng magwawagi ay P1-M, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …