Sunday , March 30 2025
Kathryn Bernardo Alden Richards KAthDen Bench Body of Work

Netizens nairita deadmahan ng KathDen

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAS marami ang nagtatanong kaysa nagpapaka-delulu na mga KathDen supporter  hinggil sa deadmahan isyu ng dalawa sa katatapos lang na Bench Body of Work fashion event.

Nagmistula raw umanong nagpasakay lang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na porke’t kumita na ng bilyones ang movie ay makikita raw ng public na parang walang pinagsamahan? Na kesyo pinasakay lang ang madla sa kanilang mga pralala na close na sila pati families nila, etc, etc..

“Kung mayroon mang silang tampuhan or what, still they owe it to their public na magpansinan man lang dahil mas maraming mga mata ang nakatutok sa kanila. ‘Yung iparamdam sa mga tao na para silang walang pinagsamahan. Kaya huwag silang magdamdam o masaktan kung tawagin man silang mga user o oportunista,” lahad pa ng netizen.

Sa dami nga naman ng mga naglabasang videos showing them na nagdededmahan despite being greeted by each of their friends na nasa stage rin,  is something na hindi nila maitatago. 

At kung gimik man ‘yun or what dahil may pakulo sila, nakaiirita lang at nakasusukang makita. At kahit pa may mga lumalabas ding photos na nagbatian naman sila backstage, still, ‘yung dedmahan nila on stage meant a lot of things.

The height of hypocrisy,” hirit pa ng very disappointed na madla.

About Ambet Nabus

Check Also

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Management ni Jojo Mendrez umamin sinakyan pag-uugnay kina Mark, Rainier

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA last presscon ng tropa ni Jojo Mendrez kaugnay pa rin ng mga …

Vice Ganda Ion

Garage sale nina Vice Ganda at Ion pinagkaguluhan 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DINAGSA ang garage sale nina meme Vice Ganda at Ion Perez na nagsimula kahapon at …

Kathryn Bernardo sexy

Kathryn mala-super model at beauty queen ang awrahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KATHRYN Bernardo at 29! Sobrang seksi at very mature na ang …